7 Asset Classes - 10+ Trading Platforms - Higit 1000 instruments
Sawa ka na bang makaligtaan ang mga webinar? Ipinakikilala ang Live na Edukasyon ng XM. Manood Dito. LIVE
Mag-trade ng Forex, Precious Metals, Energies at Equity Indices mula sa 1 Account.
Agad na ma-access ang markets sa buong mundo gamit ang XM MT4 o MT5 trading platforms.
Symbol | Spreads na mula (pips) | Halaga ng Long Swap (Points)** |
Halaga ng Short Swap (Points)** |
Halaga ng 1 lot | Limit at Stop Levels* | Platform |
---|---|---|---|---|---|---|
SILVER | 4.3 | -7.24 | 1.99 | 5,000 oz | 0 | MT4/MT5 |
GOLD | 3.7 | -48.45 | 19.67 | 100 oz | 0 | MT4/MT5 |
Symbol | Spreads na mula (pips) | Halaga ng Long Swap (Points)** |
Halaga ng Short Swap (Points)** |
Halaga ng 1 lot | Limit at Stop Levels* | Platform |
---|---|---|---|---|---|---|
SILVERmicro | 4.3 | -7.24 | 1.99 | 50 oz | 0 | MT4/MT5 |
GOLDmicro | 3.7 | -48.45 | 19.67 | 1 oz | 0 | MT4/MT5 |
Symbol | Spreads na mula (pips) | Halaga ng Long Swap (Points)** |
Halaga ng Short Swap (Points)** |
Halaga ng 1 lot | Limit at Stop Levels* | Platform |
---|---|---|---|---|---|---|
GOLD# | 1.9 | 0 | 0 | 100 oz | 0 | MT4/MT5 |
SILVER# | 2.2 | 0 | 0 | 5,000 oz | 0 | MT4/MT5 |
Symbol | Spreads na mula (pips) | Halaga ng Long Swap (Points)** |
Halaga ng Short Swap (Points)** |
Halaga ng 1 lot | Limit at Stop Levels* | Platform |
---|---|---|---|---|---|---|
GOLDm# | 1.9 | 0 | 0 | 1 oz | 0 | MT4/MT5 |
SILVERm# | 2.2 | 0 | 0 | 50 oz | 0 | MT4/MT5 |
Ang kinakailangang margin para sa Gold at Silver ay kinakalkula bilang: Lots * Contract Size * Market Price / Leverage.
Sa lahat ng klase ng account, nililimitahan ang leverage ng silver sa 400:1.
* Pinakamababang lebel sa paglalagay ng mga pending na order sa kasalukuyang presyo sa market.
** Kapag nagtira ka ng open position para sa susunod na araw ng pag-trade, babayaran o kukuha ka ng isang halaga, na kinalkula base sa pagkakaiba sa interest rate ng dalawang kurensiya sa currency pair. Ang tawag dito ay swap. Sa pag-trade, ang swap ay awtomatikong nalilipat sa deposit currency. Isinasagawa ito sa 00.00 (GMT+2 time zone, maaaring naaangkop DST) at maaaring tumagal ng ilang minuto. Mula Wednesday hanggang Thursday ang swap ay ginagawa sa tatlong araw.
ORAS NG TRADING NG GOLD & SILVER
(GMT+2 time zone, maaaring naaangkop DST)
Monday – Thursday: 01:05 – 23:55
Friday: 01:05 – 23:50
Symbol | Paglalarawan | Halaga ng Pinakamababang Pagbabago sa Presyo | Spreads na mula (quote currency) | Halaga ng 1 lot | Min./Max. Laki ng Trade | Pinakamababang % ng Margin | Limit at Stop Levels* | Platform |
---|---|---|---|---|---|---|---|---|
PALL | Palladium | 0.1 USD | 10.01 | 10 Troy ounces | 1/45 | 4.5% | 0 | MT4/MT5 |
PLAT | Platinum | 0.1 USD | 4.25 | 10 Troy ounces | 1/110 | 4.5% | 0 | MT4/MT5 |
* Pinakamababang lebel sa paglalagay ng mga pending na order sa kasalukuyang presyo sa market.
Ang kinakailangang margin para sa mga CFDs ay kinakalkula bilang: Lots * Laki ng Contract * Presyo sa Pag-open * Porsyento ng Margin at hindi batay sa leverage ng iyong trading account.
Ang margin ay palaging 50% kapag naghi-hedge ng mga position sa CFDs at kung ang lebel ng iyong margin ay mahigit sa 100%.
Mangyaring tandaan na ang aming Kumpanya ay hindi nagsasagawa ng awtomatikong pag-rollover sa mga bagong kontrata ng pinansyal na instrument na mayroong petsa ng pag-expire.
Symbol | Paglalarawan | Oras sa Server | Karaniwang Araw | Bukas ng Monday | Sarado ng Friday |
---|---|---|---|---|---|
PALL | Palladium | GMT +3 | 01:05 – 23:55 | 01:05 | 23:10 |
PLAT | Platinum | GMT +3 | 01:05 – 23:55 | 01:05 | 23:10 |
Mangyaring tandaan na ang aming Kumpanya ay hindi nagsasagawa ng awtomatikong pag-rollover sa mga bagong kontrata ng pinansyal na instrument na mayroong petsa ng pag-expire.
Paglalarawan | Symbol | Available na Contract | Petsa ng Pag-open* | Petsa ng Close Only* | Petsa ng Pag-expire* | Buwan ng Contract | Pag-expire ng Contract** |
---|---|---|---|---|---|---|---|
Palladium | PALL | Sep | 2024-05-23 | 2024-08-23 | 2024-08-24 | MAR, JUN, SEP, DEC | Pag-expire ng Contract** |
Platinum | PLAT | Jul | 2024-03-21 | 2024-06-21 | 2024-06-22 | JAN, APR, JUL, OCT | Pag-expire ng Contract** |
*Maaaring magbago ang Petsa ng Close Only at Petsa ng Pag-expire habang papalapit tayo sa aktwal na petsa. Dahil ito sa mga patakarang itinakda ng aming mga liquidity provider na namamahala sa rolling ng mga futures contract, at batay ito sa liquidity ng parehong aktibong contract at ang susunod na mag-e-expire. Ang araw ng negosyo pagkatapos ng petsa ng pag-open ng bagong instrument ay ang petsa ng pag-expire ng nakaraang contract.
**Nagbabago-bago buwan-buwan ang Petsa ng Pag-expire at batay ito sa rolling na iskedyul ng aming mga liquidity provider at ang liquidity ng mga contract.
Mangyaring tandaan na hindi nagsasagawa ang aming Kumpanya ng awtomatikong pag-rollover sa mga bagong contract ng pinansyal na instrument na mayroong petsa ng pag-expire.
Ang pag-trade ng gold at iba pang mahahalagang metal, kabilang na ang krudo, tanso o petroleum, ay mga kalakal na may pangunahing parte sa commodities market at maaaring i-trade na contract-based. Ang mga contracts na base sa mga mahahalagang metals ay nagtataglay ng futures, spot prices, forwards at options.
Ang tagapamagitan na nagbibigay-daan para mai-negotiate ang futures contracts ay ang futures exchange, o commodity market. Maaaring i-access ng mga investors mula sa iba't-ibang panig ng mundo ang 50 pangunahing commodity markets, kung saan ang mga mahahalagang metal gaya ng gold, silver, platinum at palladium ay ang mga nangungunang assets na maaaring i-trade dahil sa mataas na halaga nito at tibay. Habang ang Asya ang pinakamalaking market para sa mahahalagang metal (China, India at SIngapore ang mga nangungunang mamimili ng mga kalakal), ang commodities market ay pinapangunahan ng mga korporasyon galing sa Europe at Amerika, at ang pinakamalalaking kumpanya ng mahahalagang metal ay base sa Canada at Germany.
Ang futures exchange market, kung saan aktibong itini-trade ang ginto at iba pang mahahalagang metal maliban sa currency at mga stock index, ay bukas 24 oras kada araw, maliban tuwing Sabado at Linggo. Sa pangkalahatan, ang mga mahahalagang metal ay binibili sa dalawang pangunahing paraan: sa spot contracts at sa futures contracts. Habang sa spot contracts mayroong pisikal na pagbili o pagbenta ng mga commodity na ito kapalit ng bayad at pagpadala sa spot date (karaniwang dalawang araw ng negosyo matapos ang petsa ng pag-trade), ang futures naman ay standardized na contracts, kung saan sinasang-ayunan ng dalawang partido ang pagbili o pagbenta ng mahahalagang metal sa tiyak na dami o kalidad, sa presyong pinag-usapan (tinatawag na futures price), at ipapadala at babayaran sa hinaharap (tinatawag na delivery date). Ang pagbili at pagbenta ng futures ay nagaganap nang walang pisikal na pagmamay-ari ng commodity na itini-trade at isinasagawa sa pamamagitan ng online trading.
Ang pinakamadalas i-trade na mahahalagang metal ay gold, platinum, palladium at silver, at ang mataas na volume ng trade sa mga kalakal na ito ay dahil sa kanilang mataas na halaga, anuman ang kundisyon ng ekonomiya. Ang pagpili sa online na pagbili at kahit na pisikal na pagma-mayari ng mga mahahalagang metal bilang long-term investment ay lubos na tumaas sa loob ng nakaraang dekada. Ang pag-trade ng mga mahahalagang metal ay nagbibigay din ng oportunidad para sa mga interesado sa short-term investment dahil ang derivatives at exchange-trade contracts ay hindi masyadong capital-intensive at mas simple ito para makakuha ng position sa pagbabago ng presyo.
Hindi tulad ng marami sa mga kalakal na lubos na nagdedepende sa produksyon at lebel ng pag-konsumo, ang presyo ng gold, halimbawa, ay hindi ganito: sinusunod nito ang pulso ng mga pagbabago sa politika para mag-hedge laban sa iba pang markets sa panahon ng hindi kasiguruhan. Kasama ng gold, ang platinum, palladium at silver ay mga mahahalagang assets at itini-trade ng mga investors para magtago ng halaga sa panahon ng hindi kasiguruhan.
May iba't-ibang mga aspeto na nakakaapekto sa pagbabago ng presyo at maaaring mag-resulta sa hindi kasiguruhan sa precious metals market. Isa sa mga pinaka-importanteng aspeto ay ang mga pandaigdigang pangpinansyal na institusyon, na may mga investments na speculative at maaaring mag-resulta sa pagtaas o pagbaba ng presyo. Isa pang aspeto na nakaka-impluwensya sa market ay ang end-user trends, na malimit na naaapektuhan ng mga bumibili ng alahas: pinapataas ng demand sa alahas ang presyo ng precious metal markets. Ang ekonomiya din ay nakakaapekto sa presyo sa market. Sa isang mahusay na ekonomiya ang lebel ng yaman ay direktang kaugnay ng demand para sa gold at iba pang alahas na may mahahalagang metal: kapag ang mga investors ay naghanap ng investment na mayroong mas mataas na risk, ang presyo ng ibang mga mahahalagang metal ay bumababa kapag ang presyo ng iba pa ay tumataas. Panghuli, ang pagbabago sa demand para sa ibang mga pangpinansyal na assets maliban sa mahahalagang metal ay may kinalaman din sa pagbabago ng presyo.
Ang mga mahahalagang metal, partikular ang gold, ay simbolo ng kayamanan. Kahit na noong unang panahon, ginagamit ang gold sa pag-barter, at sa loob ng mga siglo, sa anyo naman ng barya, o bars at bullions na may tiyak na purity at bigat, ang gold ay napakahalaga at lubos na inaasam na asset. Ang unang mga gintong barya ay ginamit noong 600 BC at ang paggamit nito para sa monetary exchange (gold standard) ay nagtagal hanggang 1930s. Dahil ang gold ay may may mataas at conductivity at napaka-malleable, hindi ito naaapektuhan ng iba pang mga elemento, at ginagamit sa iba't-ibang industriya mula sa alahas, commercial chemistry at electronics hanggang sa medisina. Ang gold bilang pera ay pinalitan ng fiat currency system matapos ang 1976, ngunit patuloy itong nagiging solid na investment asset hanggang ngayon.
Kasabay ng gold, sa mahigit 4 na libong taon ang silver ay ginamit sa monetary exchange at ang silver standard ay tumagal hanggang sa ika-19 na siglo. Ang industriyal, komersyal, at consumer demand ay ang mga dahilan kung bakit magandang mag-invest sa asset na ito, at ang derivatives gaya ng silver futures ay itini-trade sa iba't-ibang exchange markets sa mundo. Sa paglaganap ng online trading, ang mga produkto na itini-trade gamit ang silver ay madaling paraan para magkaroon ng exposure ang mga investors sa presyo ng silver at mag-invest dito sa pang-matagalan.
Kumpara sa pag-trade ng gold at silver, na itinuturing nang investment assets mula noong unang panahon, ang platinum at palladium ay may mas maiksing kasaysayan sa pangpinansyal na sektor. Kaya lang, dahil sa kakaunting bilang nito at halaga ng taunang produksyon, at ang iba't-ibang gamit sa iba't-ibang industriya, minsan mas mataas ang presyo nito kumpara sa gold. 10 beses na mas bihira kaysa gold, ang platinum ay nauugnay sa kayamanan, at ang white gold-platinum alloys ay ginagamit mula pa noong pre-Columbian civilization. Ang unang pagtukoy sa platinum sa Europe ay ginawa noong ika-16 siglo, at mula ng ika-18 siglo ginagamit na ito sa alahas, motor at chemical industy, dentistry at maging medisina.
Tulad ng platinum, ang palladium ay mayroong ding mahalagang parte sa teknolohiya. Mula noong nadiskubre ito noong ika-19 siglo sa Europe, ang pandaigdigang demand sa palladium ay tumataas, hindi lang dahil sa automobile industry, ngunit ginagamit din ito nang madalas sa medisina, electrical industry, alahas, at bilang investment asset. Dahil sa supply at demand (i.e. ang pagtukoy ng presyo sa market), sa panahon ng katatagan sa ekonomiya, ang presyo ng platinum at palladium ay maaaring maging kapantay ng gold, o mas mataas, habang ang presyo nito ay maaaring bumaba kumpara sa gold sa panahon ng hindi kasiguruhan, kaya naman mas matatag ang gold para gawing investment.
Ang mahahalagang metal ay isa sa pinakakilalang commodity na itini-trade simula noong 1970s. Maliban sa currency exchange (forex) trading, ang pangmatagalang pag-i-invest sa ginto at iba pang mahahalagang metal ay kilalang paraan sa buong mundo para sa pagpapababa ng risk sa portfolio sa panahon ng inflation o hindi kasiguruhan sa ekonomiya o politika.
Ang futures contracts ay tinatawag din na derivative contracts, nangangahulugan na ang halaga nito ay galing sa pag-perform ng asset na nasa likod nito. Isa sa mga dahilan para mag-invest sa precious metals futures ay ang pagpapaliit ng risk: dahil sa abilidad ng contract buyer at seller para tiyakin agad ang presyo para sa mga transaksyon sa hinaharap, parehas silang makakasiguro laban sa agarang pagbabago sa presyo na maaaring mag-resulta sa malaking pagkalugi.
Ang mga mahahalagang metal ay maaaring i-trade sa parehong direksyon: kung ang market ay inaasahang tumaas (bullish trend) ang mga trades ay maaaring isagawa sa pagbili ng futures contract (going long) at umalis sa trade sa pamamagitan ng pagbenta dito; habang kung inaasahan ang pagbaba ng market (bearish trend), ang mga trades ay maaaring isagawa sa pamamagitan ng pagbenta ng futures contract (going short) at umalis sa trade sa pagbili ng contract. Mayroon ding posibilidad para mag-trade ng iba't-ibang futures contracts sa pamamagitan ng iba't-iba at magkakahiwalay na entries at exits, o ang pag-enter sa contracts sa iba't-ibang presyo at pag-exit sa iisang presyo, o ang kabaligtaran. Ang abilidad para mag-trade sa parehong direksyon ay nagbibigay-daan para kumita ang mga investors tumaas man o bumaba ang market.
Babala sa Risk: Maaaring malugi ang iyong kapital. Maaaring hindi nababagay sa lahat ang mga produktong naka-leverage. Mangyaring isaalang-alang ang aming Pahayag sa Risk.