Ang Pribadong Patakaran

Pagpapakilala

Bilang parte ng aming pang-araw-araw na negosyo kailangan naming kolektahin ang personal na impormasyon ng aming mga kliyente at prospektibong kliyente para mabigyan sila ng mga produkto at serbisyo at para masigurado na natutugunan ang kanilang mga pangangailangan kapag ibinibigay ang mga produkto at serbisyong ito at kapag ipinapaalam sa kanila ang mga kaugnay na impormasyon.

Ang iyong privacy ay napakahalaga sa amin at kasama sa aming patakaran na pangalagaan at respetuhin ang pagiging kumpidensyal ng impormasyon at privacy ng mga indibidwal. Ang Patakaran sa Privacy na ito ay sumasakop sa kung paano kinokolekta, ginagamit at pinamamahalaan ng XM Global Limited (ang “Kumpanya” o “XM Global”) ang iyong personal na impormasyon na natanggap namin mula sa iyo o galing sa ikatlong partido kaugnay ng pagbibigay-serbisyo namin sa iyo o kung ano ang kinokolekta namin sa iyo mula sa paggamit mo ng aming mga serbisyo at/o website (ayan ay, www.xm.com) at/o anumang kaugnay na website at applications kabilang ang Members Area ng Kumpanya. Ipinapaalam din sa iyo nitong Patakaran sa Privacy ang karapatan mo kaugnay ng pagproseso namin ng iyong personal na impormasyon.

Ang aming Patakaran sa Privacy ay regular na sinusuri para siguraduhin na ang mga bagong obligasyon at teknolohiya, mga pagbabago sa aming negosyo at kasanayan ay isinasaalang-alang at nananatiling angkop sa pabagu-bagong regulasyon. Lahat ng personal na impormasyon na hawak namin ay sakop ng aming pinakabagong Patakaran sa Privacy.

Mangyaring tandaan na kung isa kang kasalukuyan at/o dating empleyado ng Kumpanya, nag-a-apply ng trabaho, kontratista ng Kumpanya o isang ikatlong partido na tagapagbigay ng serbisyo, ang iyong personal na impormasyon ay gagamitin kaugnay ng iyong kontrata sa trabaho, o iyong pakikipag-kontrata.

Ang Patakaran sa Privacy na ito ay naaangkop sa pagproseso ng aktibidad na isinasagawa ng XM Global sa personal na datos ng mga kliyente/potensyal na kliyente, mga bumibisita sa website at mga empleyado. Ang Patakaran sa Privacy na ito ay hindi naaangkop sa mga website na pinapatakbo ng ibang organisasyon at/o ibang ikatlong partido.

Sino kami

Ang XM Global Limited ay lisensyado at regulado ng Financial Services Commission (FSC) sa ilalim ng lisensya numero 000261/4, at may rehistradong opisina sa Suite 101, 63 Eve Street, Belize City, Belize.

Ang XM Global Limited ay bahagi ng XM Group. Ang bawat kumpanya sa XM Group ay may kanya-kanyang Patakaran sa Privacy. Ang mga kumpanyang ito ang nagpapatakbo sa kani-kanilang mga website at dahil dito, kung interesado kang malaman kung paano pinoproseso ng mga kumpanyang ito ang iyong personal na datos, mangyaring pumunta sa kanilang pahayag sa privacy na maaring makita sa kani-kanilang mga website.

Pangangalaga ng pagiging kumpidensyal ng iyong personal na impormasyon at pagprotekta sa iyong privacy

Nirerespeto ng Kumpanya ang privacy ng sinumang gumagamit ng (mga) website nito, at ito ay nakatuon sa pagsunod sa anumang makatwirang hakbang para pangalagaan ang mga kasalukuyan o potensyal na kliyente, aplikante at mga bisita sa website.

Tinatago ng Kumpanya ang anumang personal na datos ng mga kliyente/potensyal na kliyente alinsunod sa mga batas at regulasyon sa pagprotekta ng datos.

Mayroon kaming mga kinakailangan at nararapat na teknikal at pang-organisasyong panukala at pamamaraan para siguruhing ligtas ang iyong impormasyon sa lahat ng oras. Regular naming sinasanay at ipinapaalam sa lahat ng aming mga empleyado ang kahalagahan ng pagpapanatili, pangangalaga at pagrespeto sa iyong personal na impormasyon at privacy. Siniseryoso namin ang anumang paglabag sa privacy ng mga indibidwal at ipapatupad namin ang mga nararapat na pagdidisiplina, kabilang ang pagsisisante sa trabaho, kung kinakailangan. Ang personal na impormasyon na ibinigay mo sa amin noong nagrehistro ka bilang user ng (mga) site ng Kumpanya at/o ng mga serbisyo nito ay itinuturing bilang nakarehistrong impormasyon na pinoprotektahan sa iba't-ibang paraan. Maaari mong ma-access ang iyong nakarehistrong impormasyon pagkatapos mong mag-login sa Members Area sa pamamagitan ng paglalagay ng username at password na iyong napili. Responsibilidad mong siguruhin na ikaw lang ang nakakaalam ng iyong password at hindi ito ibibigay kahit kanino. Ang nakarehistrong impormasyon ay ligtas na nakatago sa isang ligtas na lugar at tanging mga awtorisadong tao lamang ang makaka-access nito sa pamamagitan ng username at password. Lahat ng personal na impormasyon ay ipinapadala sa Kumpanya gamit ang ligtas na 128-bit SSL connection kaya naman ginagawa lahat ng mga kinakailangang hakbang para maiwasan ang mga hindi awtorisadong partido sa pagkuha ng naturang impormasyon. Ang personal na impormasyon na ibinigay sa Kumpanya na hindi itinuturing bilang nakarehistrong impormasyon ay itinatago din sa isang ligtas na lugar at maa-access lamang ng mga awtorisadong tao sa pamamagitan ng username at password.

Hindi palaging ligtas ang pagpapadala ng impormasyon sa pamamagitan ng internet ngunit sinusubukan ng Kumpanya na protektahan ang iyong personal na datos sa pamamagitan ng seryosong pag-iingat. Sa sandaling natanggap namin ang iyong impormasyon, maglalapat kami ng mga panuntunan at panukalang pang-seguridad para maiwasan ang hindi awtorisadong pag-access dito.

Anu-anong mga personal na impormasyon ang kinokolekta namin

Para makapagbukas ng account sa amin, kailangan mo munang kumpletuhin at ipadala ang application form sa pamamagitan ng pagkumpleto ng kinakailangang impormasyon. Sa pagkumpleto ng application form, pinapakiusapan kang ilagay ang iyong personal na impormasyon para bigyang-daan ang Kumpanya na suriin ang iyong aplikasyon at makasunod sa mga kaugnay na batas at regulasyon. Ang impormasyon na ibibigay mo ay maari ding gamitin ng Kumpanya para ipaalam sa iyo ang mga serbisyo nito.

Kabilang sa mga impormasyon na maari naming kuhanin mula sa iyo ay ang mga sumusunod:

  • buong pangalan, address at detalye ng contact (hal., email address, telepono, fax, atbp.);

  • petsa ng kapanganakan, lugar ng kapanganakan, kasarian, nasyonalidad;

  • impormasyon tungkol sa iyong kita at yaman, kabilang ang detalye tungkol sa pinagkukuhanan mo ng pondo, assets at liabilities, impormasyon ng bank account, trading statements, FATCA at CRS at financial statements;

  • balanse ng trading account, aktibidad sa pag-trade, iyong mga katanungan at aming mga sagot;

  • impormasyon kung may posisyon ka sa gobyerno (Politically Exposed Persons);

  • propesyon at detalye ng trabaho;

  • datos sa pag-authenticate (hal., pirma);

  • datos sa lokasyon;

  • galing sa pag-trade, kaalaman at karanasan;

  • impormasyon sa pag-verify, kabilang ang impormasyon na kinakailangan para i-verify ang iyong pagkakakilanlan gaya ng pasaporte o lisensya sa pagmamaneho (halimbawa, ang impormasyon na makukuha namin mula sa iyo na galing sa mga pampublikong tala o iba pang partido na hindi konektado sa amin); higit pa dito, maari naming kolektahin ang iba pang mga kaugnay na impormasyon gaya ng numero ng ID at/o numero ng Pasaporte/TIN;

  • iba pang impormasyon na karaniwang ginagamit para kilalanin ka at ang iyong karanasan sa pag-trade na may kaugnayan sa amin para maserbisyuhan ka;

  • aktibidad at pagkilos sa website.

Kinukuha namin amin ang mga impormasyon gamit ang iba't-ibang pamamaraan kapag ginamit mo ang aming mga serbisyo gaya ng pagpunta sa alinman sa aming mga website, apps, aplikasyon sa pagbubukas ng account, sign up forms sa demo account, sign up forms sa webinars, pag-subscribe sa mga balita at mula sa impormasyong ibinigay sa pakikipag-ugnayan sa customer service. Maari din naming kolektahin ang iyong impormasyon mula sa ikatlong partido gaya ng mga pampublikong mapagkukunan. Tinatago din namin ang mga tala ng iyong kaugalian sa pag-trade, kabilang na ang mga tala sa sumusunod:

  • mga produkto na iyong itini-trade sa amin at ang performance nito;

  • datos sa kasaysayan ng pag-trade at pamumuhunan na isinagawa mo kabilang na ang halagang in-invest;

  • ang iyong pinipiling mga produkto at serbisyo.

Paminsan-minsan maari naming hingiin ang iba pang mga personal na impormasyon (halimbawa, sa pamamagitan ng market research o surveys).

Kung pinili mong huwag magbigay ng impormasyon kailangan naming sundin ang iyong hiling para sa anumang produkto o serbisyo ngunit may posibilidad na hindi namin maibigay sa iyo ang mga naturang produkto o serbisyo.

Maari naming itala ang anumang komunikasyon sa iyo na electronic, sa pamamagitan ng telepono, personal o iba pa, kaugnay ng mga serbisyo na ibinibigay namin sa iyo at aming pagnenegosyo sa iyo. Ang mga talang ito ay pagmamay-ari namin at magsisilbi bilang ebidensya ng ating pakikipag-ugnayan. Ang ating pakikipag-ugnayan sa telepono ay maaring i-record nang walang babala o anumang abiso. Higit pa, kung bibisitahin mo ang aming mga opisina, maari kaming magkaroon ng CCTV na magre-record sa iyong imahe.

Hindi Hinihiling na Personal na Impormasyon

Kapag nakatanggap kami ng personal na impormasyon tungkol sa isang indibidwal na hindi namin hiniling at hindi kailangan sa pagbibigay namin ng serbisyo, ligtas naming sisirain ang impormasyon (kung ito ay naaayon sa batas at ito ay makatwiran para sa amin).

Sa XM, ginagamit namin ang YouTube para ipaalam at ipakita ang mga video na may kinalaman sa kumpanya pati na ang mga balita tungkol sa market. Pakibasa ang Tuntunin ng Serbisyo ng YouTube at Patakaran sa Privacy ng Google para sa iba pang impormasyon.

Mga aplikante ng trabaho

Ang personal na datos ay itinatago sa Human Resources systems ng Kumpanya. Mayroon kaming hiwalay na kasunduan ng hindi pagpapahayag sa mga empleyado, na ibibigay namin sa iyo sa sandaling na-recruit ka na. Ang mga sumusunod na uri ng datos ay maaring kunin ng Kumpanya, kung naaangkop, sa mga kaugnay na indibidwal:

  • pangalan, address, numero ng telepono, petsa ng kapanganakan, email address, kasarian, katayuan sa pag-aasawa, atbp.;

  • CV at iba pang impormasyon na nakuha noong ni-recruit ka;

  • mga sanggunian mula sa mga dating employer;

  • numero ng Pambansang Insurance;

  • datos sa kriminal na hatol;

  • titulo sa trabaho, paglalawaran ng trabaho at ranggo ng sweldo;

  • mga isyu sa pag-uugali gaya ng sulat sa pagkabahala at mga paglilitis na pangdisiplina;

  • impormasyon sa panloob na performance;

  • kasaysayan o impormasyong medikal o pangkalusugan;

  • mga code sa buwis;

  • mga tuntunin at kundisyon ng trabaho;

  • detalye ng pagsasanay.

Maari din naming tanungin ang iba pang personal na impormasyon kung sa tingin namin na kailangan ito sa layunin ng pagre-recruit.

Kung hindi ka natanggap sa trabaho, kukunin namin ang iyong pahintulot na itago ang iyong datos kung sakaling magkaroon ng nababagay na trabaho sa Kumpanya na sa tingin namin ay gusto mong pasukan. May karapatan kang huwag pumayag dito at walang masama kung ito ang napagdesisyunan mo.

Basehan sa batas para sa pagproseso ng iyong personal na impormasyon at layunin nito

Maari naming iproseso ang iyong personal na datos alinsunod sa mga sumusunod na basehan o layunin:

  1. Pagpapatupad sa isang kontrata

    Pinoproseso namin ang personal na datos para mabigay sa iyo ang aming mga serbisyo at produkto, pati na ang impormasyong may kinalaman sa aming mga produkto at serbisyo batay sa aming relasyon sa mga kliyente (ayan ay, para maisagawa ang aming mga obligasyon). Higit pa dito, ang pagproseso ng personal na datos ay isinasagawa para makumpleto ang mga proseso sa pagtanggap ng mga kliyente.

    Dahil dito, kailangan naming i-verify ang iyong pagkakakilanlan para matanggap ka bilang kliyente namin at kakailanganin namin ang mga detalyeng ito para epektibong pamahalaan ang iyong trading account upang masiguro na nakakakuha ka ng pinakamahusay na serbisyo mula sa amin. Maaring kabilang dito ang mga ikatlong partido na nagsasagawa para sa amin ng pagsusuri sa credit o pagkakakilanlan. Ang paggamit ng iyong personal na impormasyon ay kinakailangan para malaman namin kung sino ka, dahil mayroon kaming legal na obligasyon para sumunod sa Know Your Customer at obligasyong pang-regulasyon sa kliyente.

  2. Pagsunod sa legal na obligasyon

    May iba't-ibang mga legal na obligasyon na nagmula sa mga kaugnay na batas na kailangan naming sundin, pati na ng mga tiyak na statutory requirements (hal., batas sa anti-money laundering, batas sa pangpinansyal na serbisyo, batas sa korporasyon, batas sa privacy at batas sa buwis). Mayroon ding iba't-ibang mga awtoridad na may mga regulasyon at batas na kailangan naming sundin (hal., ang FSC). Ang mga obligasyong ito ay nagpapataw sa amin ng kinakailangang pagproseso ng personal na datos sa pagsusuri ng credit, pag-verify ng pagkakakilanlan, pagproseso ng pagbabayad, pagsunod sa korte, batas sa buwis o iba pang obligasyon sa pag-uulat at patakaran sa anti-money laundering.

    Ang mga obligasyon na ito ay ginagamit sa iba't-ibang panahon, kabilang ang pagtanggap sa kliyente, kabayaran at pagsuri para sa pagpapababa ng risk.

  3. Para sa pagpapangalaga ng lehitimong interes

    Pinoproseso namin ang personal na datos para pangalagaan ang lehitimong interes na itinataguyod namin o ng ikatlong partido. Lehitimong interes ang tawag kapag mayroong kaming pang-negosyo o pang-komersyal na rason para gamitin ang iyong impormasyon. Gayunpaman, hindi ito dapat lumabag sa kung ano ang tama at kung ano ang pinakamahusay para sa iyo. Ang halimbawa ng mga ganitong aktibidad ay ang mga sumusunod:

    • pagsisimula ng legal na paghahabol at paghahanda sa aming depensa sa paglilitis;

    • mga paraan at proseso na isinasagawa namin para sa IT at seguridad ng sistema ng Kumpanya, pagpigil sa potensyal na krimen, pagprotekta sa mga ari-arian, kontrol sa pagpapapasok at panukala laban sa trespassing;

    • paglalagay ng CCTV (hal., sa aming opisina para sa seguridad);

    • mga panukala para pamahalaan ang negosyo at para sa pagbuo ng mga produkto at serbisyo;

    • pagbabahagi ng iyong personal na datos sa XM Group para i-update/i-verify ang iyong personal na datos kaugnay ng mga nararapat na balangkas sa anti-money laundering;

    • pagpapababa ng risk.

  4. Nagbigay ka ng pahintulot

    Ang aming pagtago at paggamit ng iyong personal na datos ay base sa iyong pahintulot (maliban sa mga rason na inilarawan o ipinahiwatig sa patakarang ito tuwing hindi kailangan ang iyong pahintulot). Maari mong bawiin ang iyong pahintulot anumang oras; kaya lang, ang anumang pagproseso ng iyong personal na datos bago namin matanggap ng iyong pagbawi ay hindi maaapektuhan.

  5. Para tukuyin ang pagiging akma ng aming mga serbisyo/produkto para sa mga Kliyente

  6. Para mabigyan ka ng mga produkto at serbisyo, o impormasyon tungkol sa aming mga produkto at serbisyo, at para suriin ang iyong mga kasalukuyang pangangailangan

    Sa sandaling matagumpay kang nakapagbukas ng trading account, o nag-subscribe sa update o webinar, kailangan naming gamitin ang iyong personal na impormasyon para maisagawa ang aming mga serbisyo at makasunod sa aming obligasyon sa iyo. Parte din ng aming lehitimong interes na siguruhing nakakapagbigay kami sa iyo ng pinakamahusay na produkto at serbisyo para paminsan-minsan masuri namin ang iyong mga pangangailangan upang masiguro na nakukuha mo ang pinakamahusay na produkto at serbisyo mula sa amin.

  7. Para matulungan kaming pabutihin ang aming mga produkto at serbisyo, kabilang na ang customer service, at para makapagsagawa at makapagpalaganap ng mga bagong produkto at serbisyo

    Maari naming gamitin paminsan-minsan ang personal na impormasyon na ibinigay mo sa amin sa pamamagitan ng iyong paggamit ng mga serbisyo at/o surveys para matulungan kaming mapabuti ang aming mga produkto at serbisyo. Nasa lehitimong interes namin na gamitin ang iyong personal na impormasyon sa paraang ito para siguruhin ang pinakamataas na pamantayan kapag ibinibigay sa iyo ang aming mga produkto at serbisyo at para patuloy na maging lider sa industriya ng pangpinansyal na serbisyo.

    Sinusubaybayan namin ang iyong aktibidad at kaugalian tuwing pumupunta ka sa site at ang datos na nakukuha dito ay ginagamit para makapagbigay kami ng mas epektibong suporta kung kailangan mo ng anumang tulong o payo sa paggamit ng aming website. Ipinapaalam namin na ang impormasyong ito ay hindi maaaring gamitin para kilalanin ka.

  8. Para makapagsagawa ng profile tungkol sa iyo

    Maari naming gamitin paminsan-minsan ang personal na impormasyon na ibinigay mo sa amin sa pamamagitan ng iyong paggamit ng mga serbisyo at/o surveys para matulungan kaming mapabuti ang aming mga produkto at serbisyo. Nasa lehitimong interes namin na gamitin ang iyong personal na impormasyon sa paraang ito para siguruhin ang pinakamataas na pamantayan kapag ibinibigay sa iyo ang aming mga produkto at serbisyo at para patuloy na maging lider sa industriya ng pangpinansyal na serbisyo.

  9. Para imbestigahan o ayusin ang mga katanungan o hindi pagkakaintindihan

    Maari naming gamitin ang personal na impormasyon na ibinigay mo sa amin para imbestigahan ang mga isyu at/o ayusin ang mga alitan, dahil nasa lehitimong interes namin na sigurhin na ang mga isyu at/o alitan ay iniimbestigahan at nireresolba sa mabilis at mahusay na paraan.

  10. Para makasunod sa mga kaugnay na batas, utos ng korte, iba pang proseso ng hukuman, o mga kinakailangan ng alinmang awtoridad sa regulasyon

    Maari naming gamitin ang iyong personal na impormasyon para makasunod sa mga kaugnay na batas at regulasyon, utos ng korte o iba pang prosesong pang-hukuman, o mga kinakailangan ng alinmang awtoridad sa regulasyon. Ginagawa namin ito hindi lamang para makasunod sa aming legal na obligasyon ngunit dahil maari din na ito ay kaugnay ng aming lehitimong interes.

  11. Para mapadalhan ka ng mga survey

    Paminsan-minsan, maari ka naming padalhan ng mga survey bilang bahagi ng pagkuha ng feedback mula sa mga kliyente. Nasa lehitimong interes namin na humingi ng ganitong feedback para subukang masiguro na nakakapagbigay kami ng mga serbisyo at produkto sa pinakamataas na kalidad. Kaya lang, paminsan-minsan, maari din naming hilingin sa iyo na sumali sa ibang surveys at kung papayag ka dito umaasa kami sa iyong pahintulot na gamitin ang personal na impormasyon na aming makukuha bilang parte ng nasabing survey. Lahat ng mga sagot sa anumang survey, para man ito sa feedback ng kliyente o iba pa, ay maaring pagsama-samahin at i-depersonalize bago ito ibahagi sa alinmang ikatlong partido.

  12. Pag-analisa ng datos

    Ang aming website at mga email ay maaring magkaroon ng web beacons o pixel tags o iba pang uri ng data analysis tools na makakapagbigay-daan para pahintulutan kaming i-track ang pagkatanggap ng komunikasyon at para bilangin ang mga bumibisita sa aming webpage o nagbubukas ng aming komunikasyon. Maari naming pagsama-samahin ang iyong personal na impormasyon (gaya ng kasaysayan sa pag-trade) at ang personal na impormasyon na iba pa naming mga kliyente sa isang anonymous na basehan (ayan ay, tatanggalin namin ang makakapagtukoy sa iyong pagkakakilanlan) para makapagsagawa ng mas masinsinang pag-analisa ng mga pangunahing kaugalian na maaring magbigay-daan para makapagbigay kami nang mas mahusay na produkto at serbisyo.

    Kung ang iyong personal na impormasyon ay ginawang anonymous, wala na kaming legal na pananagutan dahil wala na itong personal na impormasyon. Kung ang iyong personal na impormasyon ay hindi ginawang anonymous, nasa lehitimong interes namin na patuloy na suriin ang iyong personal na impormasyon para siguruhin na ang mga produkto at serbisyo na aming ibinibigay ay nababagay sa market.

  13. Para sa Marketing

    Maari naming iproseso ang iyong personal na impormasyon para magpadala sa iyo ng komunikasyon sa marketing sa pamamagitan ng email o telepono o iba pang paraan (gaya ng social media) para siguruhin na lagi kang nakakasunod sa aming mga produkto at serbisyo. Kung magpapadala kami sa iyo ng komunikasyon sa marketing, gagawin namin ito kung naaayon sa iyong pahintulot o kung ito ay nasa lehitimong interes namin.

    Hindi namin ipapamigay ang iyong impormasyon sa ibang partido para mabigyan sila ng pagkakataon na direktang mag-market sa iyo.

  14. Para sa pansariling negosyo at para itago ang mga record

    Maari naming iproseso ang iyong personal na impormasyon para sa panloob na negosyo at pananaliksik, at para itago ang mga record. Ang mga pagprosesong ito ay nasa aming lehitimong interes at kinakailangan para makasunod sa mga legal na obligasyon. Maaring kasama dito ang anumang pakikipag-ugnayan natin kaugnay ng mga serbisyo at produkto na ibinibigay namin at ang aming relasyon sa iyo. Itatago din namin ang mga record para siguruhin na susunod ka sa mga obligasyon kaugnay ng kasunduan na sumasakop sa aming relasyon sa iyo.

  15. Mga legal na notipikasyon

    Madalas, ayon sa batas kailangan naming ipaalam sa iyo ang ilang mga pagbabago sa mga produkto, serbisyo o batas. May posibilidad na kailanganin naming ipaalam sa iyo ang mga pagbabago sa mga tuntunin o katangian ng aming mga produkto at serbisyo. Maari naming iproseso ang iyong personal na impormasyon para ipadala sa iyo ang mga legal na notipikasyon na ito. Patuloy mong matatanggap ang mga impormasyong ito mula sa amin kahit na pinili mo na huwag makatanggap ng impormasyon sa direct marketing mula sa amin.

  16. Pag-restructure ng Korporasyon

    Kung magkakaroon kami ng corporate restructuring o kung parte, o kung lahat ng aming negosyo ay binili ng ikatlong partido, maari naming kailanganin o piliin na gamitin ang iyong personal na impormasyon kaugnay ng restructuring o pagbenta ng Kumpanya. Kabilang dito ang pagbabahagi ng iyong impormasyon bilang parte ng mga katanungan alinsunod sa regulasyon o pagpapahayag kaugnay ng mga legal na kasunduan. Kabilang sa aming lehitimong interes na gamitin ang iyong impormasyon sa ganitong paraan, basta't makakasunod kami sa anumang legal/pang-regulasyon na obligasyon namin sa iyo.

  17. Pisikal na Seguridad

    Kung papasok ka sa alinman sa aming opisina maari naming i-record ang iyong imahe sa aming CCTV para sa seguridad. Maari din naming kuhanin ang iyong detalye para magtago ng record sa kung sino ang pumasok sa aming opisina sa alinmang araw. Nasa lehitimong interes namin na gawin ito para magpanatiling ligtas ang kapaligiran sa trabaho.

Pagbabahagi ng Iyong Personal na Impormasyon

Hindi dapat ibahagi ng Kumpanya ang anumang kumpidensyal na impormasyon ng mga kliyente sa alinmang ikatlong partido, maliban na lang: (a) kapag kinakailangan ito at/o alinsunod ito sa mga kaugnay ng batas, panukala at/o regulasyon; (b) kung kinakailangan itong ibahagi sa publiko; (c) kung nasa lehitimong interes namin na ibahagi ito; o (d) kung ito ay kaugnay ng iyong pag-request o pahintulot o mga Taong inilalarawan sa patakarang ito. Susubukan ng kumpanya na ibahagi ang mga ito sa mga awtorisadong tao lamang, maliban na lamang kung inutos ito ng awtoridad. Sa mga ganitong pagkakataon, ipapaalam ng Kumpanya sa ikatlong partido ang pagiging kumpidensyal ng nasabing impormasyon.

Bilang parte ng paggamit ng iyong personal na datos para sa mga layuning nakasaad sa itaas, maaring ipamahagi ng Kumpanya ang iyong personal na impormasyon sa mga sumusunod:

  • sinumang miyembro ng XM Group, nangangahulugan na alinman sa aming holding companies at kanilang mga subsidiaries ay maaring makatanggap ng naturang impormasyon;

  • aming associates at mga tagapagbigay ng serbisyo, para sa layuning pang-negosyo, kabilang ang mga ikatlong partido gaya ng mga tagapagbigay ng serbisyo sa negosyo at espesyalistang tagapayo na inarkila para bigyan kami ng serbisyong pang-administratibo, pangpinansyal, legal, pang-buwis, compliance, insurance, pananaliksik at iba pa;

  • mga tagapagdala ng negosyo na mayroon kaming pakikipag-sosyo;

  • mga partido sa negosyo, mga tagapagbigay ng credit, mga korte, mga hukuman at mga awtoridad sa regulasyon ayon sa pinagkasunduan o awtorisado ng batas;

  • mga tagapagbigay ng serbisyo sa pagbabayad (Payment Service Providers) at/o institusyon ng bangko na may kinalaman sa mga isyu na tinalakay tungkol sa pag-deposito/pag-withdraw papunta/galing sa (mga) trading account na pinanghahawakan sa Kumpanya at/o para sa layunin ng pagsasagawa ng imbestigasyon tungkol sa mga naturang isyu (hal., mga deposito galing sa ikatlong partido);

  • sinumang binigyan mo ng awtorisasyon.

Kung ibabahagi ng kumpanya ang iyong personal na impormasyon sa ibang partido sa negosyo, gaya ng mga kumpanya sa pagproseso ng card o mga bangko, para maisagawa ang mga serbisyo na hiniling ng mga kliyente, gaya ng mga ikatlong partido, maari nilang itago ang iyong impormasyon para makasunod sa kanilang mga legal na obligasyon at iba pa.

Sa kalahatan, hinihiling namin sa mga organisasyon na nasa labas ng XM Group na humahawak o kumukha ng personal na impormasyon na kilalanin ang pagiging kumpidensyal ng impormasyon na ito, respetuhin ang anumang karapatan ng indibidwal sa privacy at sumunod sa lahat ng mga kaugnay na batas sa pagprotekta ng datos at ang Patakaran sa Privacy na ito. Ang mga ikatlong partido na tagpagbigay ng serbisyo gaya ng credit referencing agencies (kung kinakailangan) ay maaring magtago ng record ng alinman sa mga pagsusuri na isinagawa para sa amin at maaring gamitin ang mga detalye na ito para tulungan ang iba pang mga kumpanya na isagawa ang mga ito. Mangyaring tandaan na ang paggamit ng iyong personal na impormasyon ng mga ikatlong partido na nagsisilbing data controllers ng iyong personal na impormasyon ay hindi sakop ng Patakaran sa Privacy na ito at hindi sakop ng aming mga pamantayan at pamamaraan sa privacy.

Tinatanggap at pumapayag ang mga Kliyente na paminsan-minsan, maaring analisahin ng Kumpanya ang datos na nakokolekta nito mula sa pagbibisita ng aming (mga) website o iba pang pamamaraan, gaya ng questionnaires, para sa pagsasagawa ng istatistika upang mapabuti ang aktibidad sa pagnenegosyo ng Kumpanya.

Mga paglipat sa labas ng European Economic Area (EEA)

Maaari naming ilipat ang iyong personal na impormasyon sa loob o labas ng European Economic Area papunta sa iba pang kumpanya ng XM Group pati na sa mga tagapagbigay serbisyo (ayan ay, mga Tagapagproseso). Kung ililipat namin ang iyong impormasyon sa labas ng EEA, sisiguraduhin namin na ang paglipat ay naaayon sa batas at ang mga Tagapagproseso sa ibang bansa ay obligadong sumunod sa batas ng Europa tungkol sa pagprotekta ng datos, o batas ng ibang bansa na maitutulad dito at magtatakda sila ng tamang pangangalaga kaugnay ng paglipat ng iyong datos alinsunod sa GDPR Article 46. Kung magsasagawa kami ng paglipat sa mga tagapagproseso sa USA, paminsan-minsan maaari kaming umasa sa mga angkop na pamantayan sa pag-kontrata, mga panuntunan ng korporasyon, o iba pang katumbas na angkop na kasunduan sa pangangalaga nito.

Kaugnay nito, ang iyong personal na impormasyon ay maaaring iproseso ng mga empleyado ng XM Group na nasa loob o labas ng EEA na nagtatrabaho para sa amin, o iba pang sangay ng XM Group o isa sa aming mga tagapagbigay serbisyo. Ang mga empleyadong ito ay maaaring nakikibahagi sa pagsasagawa ng iyong mga kahilingan, pagproseso ng iyong kabayaran at pagbibigay ng suporta, maliban sa iba pa. Sa pamamagitan ng pagbibigay ng iyong personal na datos, sumasang-ayon ka sa paglipat, pagtago at pagproseso nito. Gagawin ng Kumpanya lahat ng mga kinakailangang hakbang para siguruhin na ang iyong datos ay ligtas at naaayon sa Patakaran sa Privacy na ito.

Impormasyong nakolekta mula sa iyong paggamit ng aming mga serbisyo

Maaring kuhanin ng mga tracking systems na ginagamit sa (mga) website ng Kumpanya ang iyong personal na datos para mapabuti pa ang mga serbisyo na ibinibigay sa mga kliyente/potensyal na kliyente nito. Kinukuha ng website ang impormasyon sa pamamagitan ng mga sumusunod na paraan:

  • Impormasyon ng device

    Sa pamamagitan ng pagkilala sa device na iyong ginamit para pumunta at gamitin ang (mga) website ng Kumpanya, mabibigyan ka namin ng pinaka-angkop na bersyon ng aming (mga) website.

  • Pagtala ng impormasyon

    Binibigyang-daan ang Kumpanya sa pagtatala ng kaugalian sa paggamit ng site para i-track ang ginagawa ng mga user para maresolba ang anumang problema na mangyayari.

  • Impormasyon ng lokasyon

    Ang paggamit ng iyong IP address ay tumutulong sa amin para gawing lokal ang laman ng website, na ibinibigay namin sa iyo base sa iyong bansa, at para pagandahin ang iyong karanasan sa aming (mga) site.

  • Mga Cookie

    Ang Cookies ay text files na may kaunting impormasyon na ipinapadala mula sa aming (mga) website patungo sa iyong web browser at itinatago sa hard drive ng iyong computer. Tinutulungan kami ng Cookies na pagandahin ang aming (mga) website at ang karanasan ng mga gumagamit nito, malaman ang mga nag-refer sa iyo at pagandahin ang mga advertising campaign namin sa hinaharap.

  • Lokal na storage

    Para ma-activate ang iyong trading account, kailangan mong magpadala sa amin ng mga dokumento sa pag-verify, sa pamamagitan ng Members Area ng Kumpanya. Ang mga dokumentong ito ay ipinapadala gamit ang secure na 128-bit SSL connection at itinatago sa isang ligtas na lugar.

Mga Cookie

Ang internet cookies ay kaunting impormasyon na ipinapadala mula sa aming (mga) website patungo sa iyong browser at itinatago sa hard drive ng iyong computer kapag ginagamit ang aming (mga) website, at maari itong magkaroon ng kakaibang identification number. Ang layunin ng pagkolekta ng impormasyong ito ay para mabigyan ka ng mas naaayon at mas mabuting karanasan sa aming (mga) website, kabilang na ang presentasyon ng aming web pages ayon sa iyong pangangailangan o kagustuhan.

Ang mga cookies ay madalas na ginagamit sa maraming mga website sa internet, at maari kang pumili kung paano tatanggapin ang cookie sa pamamagitan ng pagpalit ng iyong preferences at opsyon sa iyong browser. Maaring hindi mo mapuntahan ang ilang parte ng aming (mga) website kung pinili mong i-disable ang pagtanggap ng cookie sa iyong browser, partikular na sa Members Area ng Kumpanya at iba pang ligtas na parte ng aming (mga) website. Dahil dito, hinihikayat ka naming i-enable ang pagtanggap ng cookie para makinabang mula sa lahat ng aming mga serbisyo online.

Higit pa dito, ginagamit namin ang cookies para sa re-marketing features upang pahintulutan kaming makipag-ugnayan sa mga user na dati nang nakapunta sa aming (mga) website at nagpakita na ng interes sa aming mga produkto at serbisyo. Paminsan-minsan maaari kaming gumamit ng mga ikatlong partido, tulad ng Google at AdRoll, para ipakita sa'yo ang aming ads sa internet, batay sa iyong nakaraang paggamit ng aming (mga) website. Maaari kang tumanggi sa partikular na paggamit ng cookies anumang oras sa pamamagitan ng pagbisita sa pahina ng Ads Settings ng Google at ng pahina ng opt-out sa DoubleClick o kung in-update man nila ito.

Gumagamit ang Kumpanya ng session ID cookies at persistent cookies. Ang isang session ID cookie ay nag-e-expire matapos ang tiyak na bilang ng oras o kapag isinara ang browser window. Ang persistent cookie ay nananatili sa iyong hard drive sa loob ng mas mahabang panahon. Maari mong tanggalin ang persistent cookies sa pamamagitan ng pagsunod sa instruksiyon sa 'Help' file ng iyong web browser.

Para sa karagdagang detalye tungkol sa patakaran namin sa cookies at kung paano tumatakbo ang cookies, basahin ang aming Patakaran sa Cookies dito.

Paano namin kinukuha ang iyong pahintulot

Kapag kailangan namin ang iyong pahintulot sa paggamit ng iyong personal na impormasyon, ang pahintulot na ito ay alinsunod sa mga nakasulat na tuntunin na sumasakop sa ating pakikipag-negosyo (na makikita sa aming (mga) website at binabago paminsan-minsan).

Kung umaasa kami sa iyong pahintulot bilang legal na basehan sa pagtago at pagproseso ng iyong personal na impormasyon, mayroon kang karapatang bawiin ang pahintulot na ito anumang oras sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan sa amin gamit ang detalye sa pag-contact na nakalagay sa Patakaran sa Privacy na ito.

Pagtago ng iyong personal na impormasyon at tagal ng pagtago

Ang pangangalaga sa iyong impormasyon ay napakahalaga sa amin, nakikipag-ugnayan ka man sa amin sa personal, sa telepono, sa sulat, sa internet o iba pang pamamaraan. Itatago namin ang iyong personal na impormasyon hangga't nakikipag-negosyo kami sa iyo, sa mga ligtas na pasilidad at papel at iba pang record na kinukuha namin, at ginagawa namin ang mga nararapat na hakbang para protektahan ang iyong personal na impormasyon mula sa maling paggamit, pagkawala, hindi awtorisadong paggamit, pagbabago o pagsisiwalat.

Kung sa tingin naming hindi na kailangan ang personal na impormasyon ayon sa pangunang layunin kung bakit ito kinolekta, tatanggalin namin ang anumang detalye na kumikilala sa iyo o sisirain namin nang ligtas ang mga record. Kaya lang, maari naming itago ang record sa loob ng ilang taon. Halimbawa, kailangan naming sumunod sa ilang batas sa anti-money laundering kung saan kinakailangan naming itago ang mga sumusunod sa loob ng limang (5) taon matapos magtapos ang aming pakikipag-negosyo sa iyo:

  • kopya ng mga dokumento na ginamit namin para makasunod sa mga obligasyon sa batas;

  • sumusuportang ebidensya at record ng mga transaksyon natin at iyong pakikipag-negosyo sa amin.

Higit pa, ang personal na impormasyon na itinatago namin sa anyo ng naka-record na komunikasyon, sa pamamagitan ng telepono, electronic, sa personal o iba pa, ay itatago kasunod ng lokal na regulasyon (ayan ay, 5 taon matapos magtapos ang aming pakikipag-negosyo sa iyo o mas matagal pa kung mayroon kang lehitimong interes (gaya ng pagsasaayos ng ating alitan). Kung nagdesiyon ka na huwag makatanggap ng komunikasyon sa marketing itatago namin ang iyong mga detalye sa aming suppression list para malaman namin na ayaw mong makatanggap ng mga komunikasyong ito.

Maari naming itago ang iyong datos nang mas matagal sa 5 taon kung hindi namin ito mabubura dahil sa legal, pang-regulasyon o teknikal na rason.

Ang mga karapatan mo sa iyong personal na impormasyon

Inilalarawan sa ibaba ang mga karapatan na maaaring mayroon ka kaugnay sa personal na impormasyong pinanghahawakan namin tungkol sa'yo. Maaari mong ipatupad ang mga karapatang ito sa pamamagitan ng pag-email sa amin sa dpo@xmglobal.com.

Impormasyon at Pag-access

Kung tatanungin mo kami, kukumpirmahin namin kung pinoproseso namin ang iyong personal na impormasyon at, kung oo, anu-anong mga impormasyon ang pinoproseso namin at, kung hiniling, bibigyan ka namin mga kopya ng personal na impormasyon na ito (kasabay ng iba pang mga detalye) sa loob ng tatlumpung (30) araw mula sa petsa ng iyong pag-request. Kung kailangan mo ng karagdagang kopya, maari kaming sumingil ng nararapat na administration fee.

Pagbabago

Mahalaga sa amin na naka-update ang iyong personal na impormasyon. Isasagawa namin lahat ng mga nararapat na hakbang para siguruhin na ang iyong impormasyon ay nananatiling tama, kumpleto at bago. Kung ang personal na impormasyon na pinanghahawakan namin sa iyo ay hindi tama o hindi kumpleto, maari mo itong ipabago. Kung ibinigay namin ang iyong personal na impormasyon sa iba, ipapaalam namin sa kanila ang pagbabago kung posible. Kung tatanungin mo kami, kung posible at kung naaayon ito sa batas, ipaaalam din namin sa iyo kung kanino namin ipinamahagi ang iyong personal na impormasyon para maari kang makipag-ugnayan sa kanila nang direkta.

Maaari mong ipaalam sa amin anumang oras kung nagbago ang iyong personal na detalye sa pamamagitan ng pagpapadala sa amin ng email sa support@xmglobal.com. Papalitan ng Kumpanya ang iyong personal na impormasyon alinsunod sa bilin mo. Para matugunan ito, paminsan-minsan kakailanganin naming humingi sa'yo ng sumusuportang dokumento bilang patunay, ayan ay, ang personal na impormasyon na kailangan naming itago alinsunod sa regulasyon o batas.

Pagbubura

Maari mo kaming pakiusapan na burahin o tanggalin ang iyong personal na impormasyon sa ilang pagkakataon gaya ng kung hindi na namin ito kailangan o kung binawi mo ang iyong pahintulot (kung naaangkop) basta't wala kaming legal na obligasyon na itago ang naturang datos. Ang mga hiling na ito ay sasailalim sa limitasyon ng pagtago at kailangan naming sumunod ayon sa mga batas at regulasyon sa seksyon na 'Pagtago ng Iyong Personal na Impormasyon at Tagal ng Pagtago'. Kung ibinahagi namin ang iyong personal na impormasyon sa iba, ipapaalam din namin sa kanila ang pagbura kung maari. Kung tatanungin mo kami, kapag posible at kung naaayon sa batas, ipapaalam din namin sa iyo kung kanino namin ibinahagi ang iyong personal na impormasyon para maari kang makipag-ugnayan sa kanila nang direkta.

Pagbabawal sa pagproseso

Maari mo din kaming pakiusapan na 'i-block' o itigil ang pagproseso ng iyong personal na datos sa ilang kaso, gaya ng kung hindi ka sumasang-ayon sa pagiging tama ng personal na impormasyon o kung tumatanggi ka sa pagproseso namin nito. Hindi nito mapapagilan ang pagtago namin ng iyong personal na impormasyon. Ipapaalam namin sa iyo bago kami magdesisyon na hindi sumang-ayon sa anumang ini-request na pagbabawal. Kung binahagi namin ang iyong personal na impormasyon sa iba, ipapaalam din namin sa kanila ang pagbabawal kung maari. Kung tatanungin mo kami, kung posible at kung naaayon sa batas, ipapaalam din namin sa iyo kung kanino namin ibinahagi ang iyong personal na impormasyon para maari kang makipag-ugnayan sa kanila nang direkta.

Paglipat ng Datos

Sa ilalim ng General Data Protection Regulation (679/2016), mayroon kang karapatan, sa ilang pangyayari, na kuhanin ang personal na impormasyon na ibinigay mo sa amin (sa nakabalangkas, madalas ginagamit at machine readable format) at gamitin ito sa iba o pakiusapan kami na ilipat ito sa ikatlong partido na iyong pinili.

Pagtanggi

Maari mo kaming pakiusapan na itigil ang pagproseso ng iyong personal na impormasyon, at gagawin namin ito, kung:

  • umaasa kami sa lehitimong interes namin o ng iba para iproseso ang iyong personal na impormasyon, maliban na lang kung mapapakita namin na kinakailangan sa batas ang pagproseso nito;

  • pinoproseso namin ang iyong personal na impormasyon para sa direktang pag-market; o

  • pinoproseso namin ang iyong personal na impormasyon para sa pananaliksik, maliban na lang kung naniniwala kami na kinakailangan ang naturang pagproseso o mahalaga ito sa pagsasagawa ng gawain na para sa pampublikong interes (gaya ng ahensya sa regulasyon o pagpapatupad).

Awtomatikong pagsasagawa ng desisyon at profiling

Kung nagsagawa kami ng desisyon tungkol sa iyo base sa mga awtomatikong proseso (hal. sa pamamagitan ng awtomatikong profiling) na nakakaapekto sa iyong abilidad na gamitin ang mga serbisyo o may malaking epekto ito sa iyo, maari kang mag-request na huwag isailalim sa naturang desisyon maliban na lamang kung kailangan ang naturang desisyon sa pagpasok o pagsasagawa ng kontrata sa pagitan natin. Kapag kailangan ang desisyon sa pagpasok sa kontrata, maari mong ilaban ang desisyon at mangailangan ng interbensyon ng tao. May posibilidad na hindi namin maibigay ang aming mga serbisyo at produkto sa iyo, kung papayag kami sa ganitong request (ayan ay, tatapusin namin ang pakikipag-negosyo sa iyo).

Tumanggi sa pagkolekta ng iyong personal na impormasyon

Kung ayaw mong gamitin namin ang iyong personal na impormasyon, kailangan mong ipaalam ito sa Kumpanya sa pamamagitan ng pagpapadala ng email sa dpo@xmglobal.com. Kung nagdesisyon ka na gawin ito, may posibilidad na hindi na namin maipagpatuloy ang pagbibigay ng impormasyon, serbisyo at/o produkto na hiniling mo at wala kaming obligasyon na gawin ito para sa'yo.

Legal na Disclaimer

May posibilidad na ibahagi ng Kumpanya ang iyong mga personal na impormasyon ayon sa aming mga tuntunin at regulasyon at kapag sa tingin ng Kumpanya kinakailangan ang pagbabahagi para protektahan ang aming mga karapatan at/o para sumunod sa anumang hukuman, utos ng korte, legal na proseso o para sa alinmang governmental, intergovernmental o iba pang regulatory bodies. Hindi mananagot at Kumpanya sa hindi tamang paggamit o pagkawala ng personal na impormasyon o anuman na nasa (mga) website ng Kumpanya na hindi kinu-kontrol o pinanghahawakan ng Kumpanya. Walang pananagutan ang Kumpanya sa anumang hindi legal o walang pahintulot na paggamit ng iyong personal na impormasyon dahil sa hindi tamang paggamit o pagkawala ng iyong mga password, pabaya o malisyosong paggamit at/o anupaman dahil sa iyo o dahil sa mga ginawa mo o pagkukulang o ng tao na binigyan mo ng awtorisasyon (pinapahintulutan man o hindi ang awtorisasyon na ito ayon sa ating legal na relasyon).

Mga Pagbabago dito sa Patakaran sa Privacy

Ang aming Patakaran sa Privacy ay sinusuri paminsan-minsan para sakupin ang mga bagong batas at teknolohiya, mga pagbabago sa aming operasyon at pamamaraan, at para siguruhin na nananatili itong angkop sa pabagu-bagong kapaligiran.

Kung nagdesisyon kaming baguhin ang aming Patakaran sa Privacy, ilalagay namin ang mga pagbabagong ito sa Patakaran sa Privacy na ito at anumang angkop na lugar para malaman mo ang mga impormasyon na aming kinokolekta, paano namin ito ginagamit, at tuwing kailan namin ito ibinibigay, kung mayroon man.

Kung mayroon kang reklamo

Kung nababahala ka sa anumang aspeto ng aming kasanayan sa privacy, maaari kang magpadala ng reklamo. Tutugunan ito sa lalong madaling panahon. Para magreklamo, mangyaring makipag-ugnayan sa amin sa pamamagitan ng pag-email sa complaints@xmglobal.com.

Paano makipag-ugnayan sa amin

Kung mayroon kang anumang katanungan tungkol sa Patakaran sa Privacy na ito, mangyaring mag-email sa amin sa support@xmglobal.com o dpo@xmglobal.com.

Gumagamit kami ng cookies para mabigyan ka ng mahusay na karanasan sa aming website. Magbasa pa o palitan ang iyong cookie settings.

Babala sa Risk: Maaaring malugi ang iyong kapital. Maaaring hindi nababagay sa lahat ang mga produktong naka-leverage. Mangyaring isaalang-alang ang aming Pahayag sa Risk.