Kawanggawa sa Lipunan - Pagbibigay ng Patas na Oportunidad

Ang aming misyon ay ang magbigay ng positibong pagbabago sa buhay ng mga indibidwal, anuman ang kanilang kultura, relihiyon,
o etniko, at tulungan silang makamit ang kanilang potensyal.

Pagpapahusay sa Edukasyon at Kaalaman

Nagsasagawa ng mga proyekto para tulungan ang mga indibidwal na magkaroon ng mahusay na edukasyon at mahahalagang kakayahan

Internasyonal na Tulong

Nakikipagtulungan sa mga aktibong lokal at internasyonal na organisasyon na tumutulong sa mga komunidad

Layunin naming magkaroon ng positibong epekto sakalidad ng buhay ng mga tao sa buong mundo.

Ang Aming mga Pinakabagong Misyon

post-image

Suporta ng XM at Red Cross SG sa mga Migrante

Ipinaskil Mayo 21, 2024 ng 8:53 AM GMT

Nakipagtulungan kamakailan ang XM Singapore sa Singapore Red Cross para mag-organisa ng event para sa mga dayuhang kasambahay sa Singapore. Isinagawa noong Abril 7, 2024 sa The Cage Kallang, layunin nitong makapagbigay ng araw ng pahinga at mga aktibidad para sa 21 migranteng caregivers. Bilang bahagi ng pagsisikap ng Singapore Red Cross na suportahan ang mental health at kapakanan ng mga migranteng manggagawa, isinama dito ang mga pamilyar na laro tulad ng cricket at football. Bukod dito, nakatanggap din sila [..]

post-image

XM Pinaganda ang Kinabukasan ng mga taga-Lombok

Ipinaskil Abril 26, 2024 ng 11:03 AM GMT

Nakipagtulungan kamakailan ang XM Indonesia sa Peduli Anak Foundation para magpamahagi ng suporta sa mga nakatira sa Lombok, West Nusa Tenggara. Nitong Marso 19, 2024, nakipagsanib-pwersa kami sa organisasyong ito para suportahan ang mga kapus-palad na bata sa naturang rehiyon, na nagpapatibay sa dedikasyon namin na makagawa ng positibong pagbabago sa mga lokal na komunidad. Nagsisilbi ang Peduli Anak Foundation bilang sagisag ng pag-asa sa mga naghihikahos na bata sa West Nusa Tenggara, kung saan nagbibigay sila ng kalinga, edukasyon, [..]

post-image

Namigay kami ng Biyaya sa Pakistan noong Ramadan

Ipinaskil Abril 24, 2024 ng 8:49 AM GMT

Bilang pakikipagtulungan sa organisasyon na Rizq, nagpamigay kami ng rasyong pagkain sa mga nangangailangan sa liblib na lugar, upang magpamahagi ng biyaya sa buwan ng Ramadan. Mahigit 20 milyong tao ang nangangailangan ng suporta sa Pakistan. Maraming pamilya at mga indibidwal ang walang mapagkukunan ng sapat at masustansyang pagkain. Bukod sa nakakaapekto ang gutom at malnutrisyon sa kalusugan at paglaki ng mga bata, nagiging mahirap din para sa kanila na matuto, magtrabaho, at makawala sa siklo ng kahirapan. Sa tulong [..]

post-image

Nakipagtulungan ang XM sa Charity Right Malaysia

Ipinaskil Abril 23, 2024 ng 9:47 AM GMT

Para samantalahin ang resources at husay nito, nakipagsanib-pwersa ang XM sa Charity Right Malaysia para tulungan ang mga may kapansanang estudyante sa Kalumpang, Selangor. Ang inisyatibang ito, na nasa ilalim ng CSR na Kawanggawa sa Ramadan, ay nagpapatibay sa dedikasyon ng XM na makagawa ng positibong pagbabago sa mga komunidad. Sa pakikipagtulungan na ‘to, nagpamahagi ang XM ng pagkain para sa mga may kapansanang mag-aaral nitong Ramadan. Nagbigay kami sa kanila ng mga masustansyang pagkain dahil layunin ng XM na [..]

post-image

Nagkapit-bisig ng XM at Singapore Red Cross

Ipinaskil Abril 23, 2024 ng 7:11 AM GMT

Bilang pakikiisa sa makataong kawanggawa, binisita ng XM ang headquarters ng Singapore Red Cross, na matagal na naming partner sa iba’t-ibang inisyatiba sa loob nitong nakaraang dalawang taon. Layunin naming pagtibayin ang aming ugnayan, pag-usapan ang mga nalalapit na programa, at maintindihan ang pagpapatakbo ng organisasyon. Itinatag noong 1949, ang Singapore Red Cross ay isa sa mga naunang organisasyon na dedikado sa pagbabawas ng kahirapan at pagresponde sa mga emergency. Nagseserbisyo ito sa mga mahihirap na komunidad sa pamamagitan ng [..]

post-image

Nagpamahagi Kami ng Libro sa mga Bata sa Vietnam

Ipinaskil Abril 22, 2024 ng 8:26 AM GMT

Para suportahan ang proyektong “Libro para sa mga Kabataan”, nagpamigay kami ng mga libro sa 10 eskwelahan sa Ky Son district sa probinsya ng Nghe An, na nagtuturo sa mga kapus-palad na bata na nakatira sa kabundukan. Napuno ng libro ang istante sa 10 silid-aralan, na nakapaghikayat sa mga mag-aaral na magbasa araw-araw kasama ng kanilang mga guro. Ang pagbabasa ay di lamang nakakapagdala ng bagong kaalaman; binibigyan nito ng kapangyarihan ang mga bata na mangarap. Para sa mga pinakabatang [..]

post-image

XM Buong-pusong Nagpamahagi ng Iftar

Ipinaskil Abril 16, 2024 ng 9:43 AM GMT

Sa ngalan ng pakikipagtulungan, inilunsad kamakailan ng XM ang inisyatiba nito na magpamahagi ng Iftar noong Ramadan, para suportahan ang mga nangangailangan sa panahong ito. Bilang bahagi ng aming CSR, layunin ng XM na magdala ng tuwa at ginhawa sa mga tao at pamilyang humaharap sa matinding pagdurusa. Nakipagtulungan ang XM sa kilalang organisasyon sa Casablanca, Morocco na Association Bab Rayan, kung saan pinangako namin ang donasyon na $2,000 para makapagbigay ng masustansyang Iftar sa mga ulila at kapus-palad. Sumasalamin [..]

post-image

Tumulong ang XM sa mga Binaha sa Indonesia

Ipinaskil Abril 15, 2024 ng 9:27 AM GMT

Sa pakikipagtulungan sa organisasyon na Human Initiative, nagkusa ang XM na suportahan ang mga nakalikas sa baha na tumama sa Demak, Indonesia, upang ipamalas ang mga bagay na pwedeng makamit ng sangkatauhan kapag nagsanib-pwersa ito. Agad kaming tumugon sa flash flood na nangyari noong unang bahagi ng Pebrero. Sigurado kami na malaking bagay para sa mga nasalanta nitong di inaasahang sakuna ang dalawang daang meal packs, galon-galong tubig, at iba pang kagamitan sa kusina. Hindi namin magagawa ang inisyatibang ito [..]

post-image

XM Namigay ng Computers sa Paaralan sa Vietnam

Ipinaskil Marso 19, 2024 ng 9:51 AM GMT

Noong Disyembre 20, 2023, nakipagtulungan ang XM sa Nuôi Em Project para mamahagi ng bagong teknolohiya sa Highlands ng Vietnam. Dahil sa ibinigay naming 15 computer, lalawak ang kaalaman sa teknolohiya ng mga mag-aaral sa Son La, Vietnam. Bumisita kami sa Chieng Chung school para kausapin ang punongguro at mga guro upang mas maintindihan ang mga naiibang pagsubok na kinakaharap ng mga estudyante dito. Tumulong din ang team namin sa pagtuturo sa mga mag-aaral kung paano gamitin ang computer at [..]

post-image

Ayuda ng XM sa Pagpapaganda ng Buhay sa Egypt

Ipinaskil Pebrero 23, 2024 ng 9:05 AM GMT

Nitong Enero 3, 2024, tumulong ang XM sa Haya Karima, isang organisasyon sa Cairo na may layuning pabutihin ang kalidad ng buhay sa tulong ng edukasyon. Malaking bagay ang ibinigay naming donasyon para bumuti ang sistema ng edukasyon at makapagsagawa ng mas marami pang klase para sa mga kapus-palad na bata, at masiguro na sapat ang bilang ng mga guro. Tungkol sa Haya Karima Ang Haya Karima (na nangangahulugang Disenteng Buhay) ay isang pambansang inisyatiba na inilunsad noong Oktubre 22, [..]

Gumagamit kami ng cookies para mabigyan ka ng mahusay na karanasan sa aming website. Magbasa pa o palitan ang iyong cookie settings.

Babala sa Risk: Maaaring malugi ang iyong kapital. Maaaring hindi nababagay sa lahat ang mga produktong naka-leverage. Mangyaring isaalang-alang ang aming Pahayag sa Risk.